Inianunsiyo ng Department of Health (DOH), na siyang tumatayong pinuno ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na may dalawa pang lalawigan at apat pang karagdagang local government units (LGUs) sa bansa ang ibinaba na rin sa COVID-19 Alert Level 1, simula Agosto 16 hanggang 31.

Sa isang kalatas nitong Sabado ng hapon, sinabi ng DOH na base sa IATF-EID metrics, ang mga naturang lugar, kabilang ang Occidental Mindoro at Camarines Sur, at apat pang karagdagang LGUs, ay na-de-escalate na ng alert level status matapos na mapanatili ang kanilang case classification at total beds utilization rates sa ‘low risk,’ at maabot o malapit nang maabot ang vaccination thresholds para sa target population at target A2 (senior citizens) priority group.

Ayon sa DOH, ang National Capital Region (NCR) ay mananatili pa rin namang nasa Alert Level 1 sa kahalintulad na petsa.

Isinailalim rin sa Alert Level 1 para sa nasabing panahon ang mga sumusunod na lugar:

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Para sa LUZON:

-Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Baguio City;-Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City;

-Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at City of Santiago;

-Region III: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City, at Olongapo City;

-Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, at Lucena City;

-Region IV-B: Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at Puerto Princesa City;

-Region V: Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Naga City, at Sorsogon.

Para naman sa VISAYAS:

-Region VI: Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo Province, Bacolod City, at Iloilo City;

-Region VII: Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City;

-Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc City, at Tacloban City.

Para naman sa MINDANAO:

-Region IX: Zamboanga City;

-Region X: Camiguin, Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Iligan City;

-Region XI: Davao City at Davao Oriental;

-Region XII: South Cotabato at General Santos City;

-CARAGA: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at Butuan City;

-BARMM: Cotabato City.

Ang mga sumusunod namang component cities at municipalities ay ang mga bagong sailalim naman sa Alert Level 1 para sa nasabi ring petsa:

Para sa VISAYAS:

-Region VII: Poro, Cebu;

-Region VIII: Talalora, Western Samar.

Para sa MINDANAO:

-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Binidayan at Pualas, Lanao Del Sur.

Ang mga lungsod ang munisipalidad na dati nang na-de-escalate ay mananatili pa rin naman sa Alert Level 1.

Samantala, mananatili naman ang mga sumusunod na lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs) sa ilalim ng Alert Level 2, nang walang prejudice sa kani-kanilang component cities at municipalities na maaaring nasa ilalim ng ibang alert level classification:

Para sa LUZON:

-Cordillera Administrative Region: Benguet, Ifugao;

-Region IV-A: Quezon Province;

-Region IV-B: Palawan;

-Region V: Camarines Norte at Masbate.

Para sa VISAYAS:

-Region VI: Antique at Negros Occidental;

-Region VII: Bohol, Cebu, at Negros Oriental;

-Region VIII: Leyte, Northern Samar at Western Samar.

Para sa MINDANAO:

-Region IX: City of Isabela, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, at Zamboanga Sibugay;

-Region X: Lanao del Norte;

-Region XI: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro at Davao Occidental;

-Region XII: North Cotabato, Sarangani, at Sultan Kudarat;

-CARAGA: Dinagat Islands at Surigao del Norte;

-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.

"We can see that the stronger our participation in the PinasLakas booster and vaccination campaign, the sooner we can open our economy more safely," ayon kay DOH Officer-In-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.