Nagsalita na ang TV host at komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa mga kumakalat na chismis na hiwalay na sila ng kanyang partner na si Ion Perez.

Kuwento ni Vice sa isang episode ng 'It's Showtime' noong Miyerkules, Agosto 16, dumating siya sa point na umiiyak siya sa gabi dahil miss na miss niya si Ion. Ito na raw kasi ang pinakamatagal na paghihiwalay nila mula noong nagsama sila sa iisang bubong noong 2020.

Anim na araw silang nagkahiwalay dahil sa kani-kanilang bakasyon kasama ang kanilang mga pamilya. 

"Umiiyak na nga ako sa gabi. Magmula kasi noong pandemic 'diba nagsama kami sa bahay tapos hindi na kami nagkaroon ng time na maghiwalay ng matagal. Pinakamatagal naming hiwalay three days, kunwari mayroon akong raket, siya pupunta ng Tarlac. Pero yung six straight days, alam naming malayo, first time yun," kwento ni Vice.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“We missed each other. Pero kasama ko ang pamilya ko noong wala siya, balance. Nagpunta siya ng Japan kasama niya ang pamilya niya, nagpunta ako ng Bohol kasama ko pamilya ko. So bala-balanse time with our families and then back in each other’s arms ganon!” dagdag pa niya.

Samantala, may mensahe ang showtime host sa mga umano'y chismosa.

“Masaya kami. Huwag kayong gumagawa ng mga ano, mga chismosa kayo! Hiwalay na daw kami ni Ion?” natatawang sabi niya.

“Itong mga damonyong ‘to. Hoy, mga damonyo," pabirong sundot pa nito. "Pero masaya kami rito. Masaya kaming pamilya,magjo-jowa kaya 'wag kayong ano. Mgadamonyokayo.”

Matatandaan na chinika umano ni beteranang entertainment writer na si Cristy Fermin na hiwalay na sina Vice at Ion.