Kamakailan ay natapos ni Neri Miranda, misis ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, ang kursong Business Administration. Ngayon naman ay sasabak siya sa masteral. 

"Orientation day for my MBA class! Good luck sa akin kung kayanin ko ang masteral, hihi!" saad ni Neri sa kanyang Instagram post kamakailan.

"Why MBA? Because why not?! Never stop learning. Sabi nga nila, "When you push yourself beyond limits, you discover inner reserves, which you never thought existed earlier. Let your dreams push you...instead of your fears."" 

Hinikayat din niya ang kapwa niyang mga nanay na gusto ring mag-aral. Aniya, push lang nang push!

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Kaya push lang ng push para sa self improvement. Kaya natin 'to! Kakayanin pa lalo! It is never too late. Gusto mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo kahit nanay ka na? Go lang!! Number 1 cheerer mo ako! Kaya mo yan, mommy!" 

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/02/neri-miranda-degree-holder-sa-edad-na-36-chito-proud-sa-misis/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/02/neri-miranda-degree-holder-sa-edad-na-36-chito-proud-sa-misis/

Samantala, sa isang Facebook post nito lamang Miyerkules, Agosto 17, ibinahagi ni Chito Miranda kung paano nabuo ang bagong negosyo nilang dalawa ni Neri Naig na ‘Miranda’s Rest House.’ Aniya, tiwala siya sa kakayahan at vision ng kanyang misis pagdating sa pagnenegosyo.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/18/chito-miranda-tiwala-sa-vision-ni-neri-pagdating-sa-pagnenegosyo/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/18/chito-miranda-tiwala-sa-vision-ni-neri-pagdating-sa-pagnenegosyo/