Masisibak ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kung mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga smuggler, ayon sa pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes.

Ayon kay Cruz-Angeles, natuklasan din na walang permit sa Sugar Regulatory Administration (SRA) ang isa sa bodega ng asukal na sinalakay ng BOC sa San Jose del Monte City sa Bulacan.

“Suspicions were raised when the owner claimed that the stock pile was the result of slow sales. Matumal daw,” sabi ni Cruz-Angeles.

“Doon pa sa hinarang na shipment, gamit pa raw ang permit from Sugar Order No. 3. Kung totoo ito, lalong nagiging suspicious 'yung madaliang paglabas ng Sugar Order No. 4,” lahad nito.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

Matatandaangisinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.na "illegal" ang Sugar Order No. 4 na nagmumungkahi na umangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.

katwiran ni Marcos, hindi niya inaprubahan ang isinagawang Sugar Regulatory Board meeting kung saan inilabas ang kautusang mag-import ng asukal.

Si Marcos ang kasalukuyang kalihim ng Department of Agriculture (DA) hangga't wala pa siyan itinatalagang pinuno nito.

Matatandaang sinalakay ng BOC ang mga bodega ng asukal sa San Fernando, Pampanga nitong Miyerkules at dalawang warehouse ng asukal sa San Jose del Monte City sa Bulacan nitong Huwebes kung saan nadiskubreng nakatago ang libu-libong sakong asukal.