Kasabay ng pagdalaw ni Peachy Santos sa himlayan ng ex nito na singer at content creator na si Emman Nimedez ay ipinakilala naman niya ang kasalukuyan niyang nobyo na si Joaqui Matos.

Sa bagong vlog ni Peachy, ibinahagi niya na nangako siya kay Emman na ipapakilala niya ang magiging nobyo niya dito bilang respeto na rin.

"Dati kasi may pangako ako kay Emman na kung sino yung magiging boyfriend ko, ipapakilala ko sa kaniya bilang respect din, and at the same time, sa boyfriend ko which is si Joaqui, ipapameet ko siya kay Emman," ani Peachy.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Dagdag pa niya, bukal rin sa loob ni Joaqui na samahan siya na dalawin ang puntod ni Emman.

Sa pagdalaw nila, nagdala rin sina Peachy at Joaqui ng hotdog, shawarma,a at siomai, na mga paboritong pagkain ni Emman.

Matatandaan na nitong Agosto 16, kasama si Peachy, Team Payaman, ay inilabas nila ang unreleased song ni Emman na pinamagatang "Simula."

BASAHIN: Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

Ang music video ay binigyang direksyon ni Titus Cee na kung saan ay tampok rin sina Awi Columna, Kiyo, at Alisson Shore.

“Pwede ba na ibalik muna sa simula. Dami na kasi nag-iba. Pwede na iba na mauna, mag umpisa. ‘Di pa kasi ako handa,” bahagi ng liriko ng kanta.