"How it started vs how it is going"

Ibinahagi ni Chito Miranda kung paano nabuo ang bagong negosyo nilang dalawa ni Neri Naig na 'Miranda's Rest House.' Aniya, tiwala siya sa kakayahan at vision ng kanyang misis pagdating sa pagnenegosyo.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 17, ibinahagi ni Chito ang kwento tungkol sa kanilang bagong negosyo na isang rest house.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Kuwento niya, nakabili raw si Neri ng 200 square meters na lupa sa halagang P400,000. Tuwang-tuwa na raw ang misis niya dahil ito ang kanyang first property at nabili pa ito gamit ang kinitang pera sa pagbebenta ng tuyo.

Makalipas daw ang ilang buwan, naka-ipon ulit si Neri at bumili na siya ng mas malaking lupa na gagawing rest house para pa-rentahan.

"Sabi ko, 'malaking pera yan.' Sabi nya, 'kaya ko yan.' For several years, ginapang at pinag-ipunan nya talaga lahat, hangga't makapag-patayo sya ng 4 na villas," paglalahad niya.

"Hindi siya sumuko. Hindi niya tinantanan. She held the vision, and trusted the process. Nag-ipon na naman sya, this time para magpatayo ng pavilion...ipapa-rent nya din daw kung may birthday party or binyag. Isang malawak lang na covered area sa likod ng mga villa, na walang walls at walang aircon," dagdag pa niya.

Marami raw gustong gawin si Neri at tiwala raw siya rito.

"Since hindi ko naman sya maaawat, and tiwala din naman ako sa kakayahan at vision nya (and honestly, dahan dahan kong nakikita yung potential ng mga plano nya hehe), nag-decide na ako maki-bakas, and offered to pay for half of everything para mapabilis yung mga plano nya. Sabi ko, gawin nya lahat ng gusto nya, tapos hati kami sa gastos," aniya.

"Last year, 4 years after bilin ni Neri yung bakanteng lupa, binuksan namin yung Miranda's Resthouse at naging isa ito sa mga pinaka-magagandang negosyo namin bilang mag-asawa and business partners," paglalahad nito.

Si Neri ay nagtapos kamakailan sa University of Baguio sa kursong Business Administration.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/02/neri-miranda-degree-holder-sa-edad-na-36-chito-proud-sa-misis/