Hindi pa babawiin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang state of public health emergency na idineklara noong 2020 dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Ito ang inihayag ni Marcos sa dinaluhang PinasLakas vaccination sa Maynila nitong Miyerkules at sinabing maaaring manatili ito hanggang sa huling bahagi ng taon.
"Yes, we were just discussing it with Usec. [Maria Rosario] Vergeire because maraming mga binibigay sa international medical community kapag state of emergency. WHO (World Health Organization) is one of them," banggitng punong ehekutibo sa isang television interview.
"At kung itigil natin ‘yung state of emergency, matitigil ‘yun. But if we can change — we are looking at amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency.But that will take time. So malamang we will extend it until the end of the year," pagdidiinni Marcos.
Matatandaangidineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency dahil sa pagsisimula ng pandemya noong Marso 2020.
Patuloy pa ring ipinaiiral ang state of public health emergency hangga't hindi pa ito binabawi ng Pangulo alinsunod na rin sa Proclamation 922.
Sa datos ng Department of Health, umabot na sa 3,838,062 ang kaso ng sakit sa bansa matapos maidagdag ang 2,633 bagong nahawaan nitong Agosto 16.