Halos tatlong buwan pa lang ang ipinagbubuntis ni Antonette Gail na unang supling nila ng partner at kapwa online personality na si Whamos Cruz.

Nitong Linggo, isang hindi magandang balita ang ipinaabot ng online couple sa kanilang followers.

Ayon mismo kay Whamos, isang bukol aniya sa loob ng ari ni Antonette ang namaga, dahilan para indahin at iiyak ng kaniyang partner ang sakit.

Sa parehong Facebook update ni Whamos, napag-alamang pinagpilian din ang operasyon bilang remedyo sa kalagayan ni Antonette, bagay na ipinagpaliban ng doktor ng online personality dahil sa pabubuntis nito.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa ilan pang serye ng updates ng online couple, makikitang hands-on si Whamos sa pag-aalaga kay Antonette hanggang sa nitong Martes, tuluyan nang pumutok ang bukol ni Antonette.

Ipinag-alala ng libu-libong followers ni Antonette ang kaniyang kalagayan habang pinuri rin ng mga ito ang pag-aalaga ni Whamos sa partner.

Basahin: Whamos Cruz at Antonette Gail, magkakababy na: ‘Pinag-isipan namin nang matagal ito’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Miyerkules, isang good news naman ang ibinahagi ng online couple sa kanilang followers.

Ayon kay Antonette, hindi na matutuloy ang surgery dahil sa kusang pagputok ng kaniyang bukol na madadaan na aniya sa “gamot and proper hygiene.”

Tiniyak din ni Antonette na nanatiling ligtas at healthy ang kanilang panganay ni Whamos na si “Baby Meteor.”

“Sobrang saya ko dahil hindi na ganon kasakit yung nararamdaman ko then syempre mas iniisip ko yung kaligtasan ni baby,” aniya.

Nagpasalamat din ang online personality sa mga nagdasal para sa kaniya at sa kaniyang baby.