Galit na galit na inanunsyo ng isang babaeng nagngangalang Jenny na niloko siya ng kasintahan niyang si Steve.

Ang isang Australia-based weekly newspaper na Mackay at Whitsunday Life, ay naglabas ng isang buong pahina mula ng dyaryo upang i-advertise ang diumano'y panloloko ni Steve kay Jenny.

Mababa sa pahina ng dyaryo na nakasulat sa malalaking letra ang katagang, "Dear Steve, I hope you're happy with her."

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Larawan: Mackay and Whitsunday Life/FB

Sinundan naman ito ng mensahe na, "Now the whole town will know what a filthy cheater you are."

Sinabi rin ni Jenny na ginamit niya ang credit card ni Steve upang bayaran ang full-page ad.

Naglabas naman ng isang pahayag ang Mackay and Whitsunday Life hinggil sa isyu matapos mag-trending ang nasabing pahina.

"We have been inundated with dozens of messages this morning about the Advert on Page 4 of Mackay Life - As there’s too many to reply to; we would like to address it here," anang pahayagan.

"1. We do NOT know who Steve is, but apparently he’s been very very bad. 2. We won’t be revealing any details about Jenny. 3. We have not charged the credit card in question."