Muli nanamang tinira ni Manay Lolit Solis ang aktres na si Bea Alonzo sa kaniyang latest Instagram post nitong Lunes, Agosto 15.

Sa naturang post, sinabi ni Lolit na mas mukha pa raw bata ang aktres na si Marian Rivera kaysa kay Bea kahit na may dalawang anak na ito.

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Nakita ko na naman sa TV si Lola Bea Alonzo, Salve. At napansin ko na bakit mas mukhang bata si Marian Rivera na dalawa na ang anak, kesa kay Lola Bea Alonzo na wala pa," tirada niya.

Aniya pa, hindi kaya ito raw ang dahilan kung bakit ghinost si Bea ng aktor na si Gerald Anderson, "hindi kaya ito ang dahilan kung bakit ghosting ni Gerald Anderson at pinili ang mas batang si Julia Barretto."

Tirada pa ng talent manager, wala pa raw anak si Bea pero mukhang lola na raw ito. 

"Imagine mo Salve at Gorgy, dalaga pa , wala pang anak, mukhang Lola na agad si Bea, di lalo na pag nag asawa at anak, magiging Super Lola Bea na siya," sey niya.

"OMG, ayoko noh, ayaw ni Gerald. Hah hah, joke joke, huwag magalit lalo dagdag wrinkles hah hah, love you Bea Binene, hah hah."

Hindi ito ang unang beses na pinatututsadahan niya ang aktres. Katunayan, sa ilang mga Instagram post niya, marami siyang nababanggit tungkol dito.

Sa kabila ng mga patutsada nito, hindi kailanman pinatulan ng aktres ang mga ito.

Manay Lolit, bakit nga ba ‘galit’ kay Bea Alonzo? Ogie Diaz, may isiniwalat – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

https://balita.net.ph/2022/06/29/kapuso-star-bea-alonzo-dedma-sa-mga-ratrat-ni-manay-lolit-solis/" target="_blank">Kapuso star Bea Alonzo, dedma sa mga ratrat ni Manay Lolit Solis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

https://balita.net.ph/2022/07/16/lakas-kulam-niya-sakin-manay-lolit-sinabing-si-bea-alonzo-lang-ang-sasaya-pag-nategi-siya/" target="_blank">‘Lakas kulam niya sa’kin’: Manay Lolit, sinabing si Bea Alonzo lang ang sasaya ‘pag nategi siya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid