Inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Ako po ay positive for Covid-19 kung kaya't sa bahay muna ako magtatrabaho habang ako ay naka-isolation,” aniya.

Aniya, sumailalim siya sa RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction) test nitong Linggo, Agosto 14 at lumabas ang resulta nitong Agosto 15.

Kaugnay nito, umapela si Cruz-Angeles sa mga nakasalamuha nito na mag-self-isolation at bantayan ang kanilang sarili laban sa naturang sakit.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Gayunman, binanggit nito na asymptomatic pa rin siya at magpapatuloy pa rin sa kanyang trabaho habang nasa bahay.

Nanawagan naman si Cruz-Angeles sa publiko na magbakuna na at tumanggap ng booster shots bilang proteksyon sa sakit.

Matatandaang nagpositibo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Hulyo 8 at nakarekober din ito matapos sumailalim sa self-isolation.