Matapos mag-viral ang mga litrato ni "Junrey Baug" na umano'y kamukha ng mahusay na Kapamilya actor na si Jericho Rosales, nahanapan naman ng kamukha ang komedyanteng si "Empoy" gayundin ang Kapuso actor na si Ken Chan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/jericho-rosales-look-alike-na-si-junrey-baug-nag-courtesy-call-sa-mayor-itatampok-sa-kmjs/">https://balita.net.ph/2022/08/13/jericho-rosales-look-alike-na-si-junrey-baug-nag-courtesy-call-sa-mayor-itatampok-sa-kmjs/

Makikita sa isang Facebook page ang hambingang larawan ng kalook-alike at tunay na artista, na pareho umanong nagmula sa Davao Del Norte.

Hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng Empoy at Ken Chan ng Davao Del Norte.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, mukhang nakarating naman ito sa kaalaman ni Ken Chan. Mukhang aprub sa kaniya ang sinasabing kamukha niya.

Narito ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Nasa Davao ba ang mga artistahin?"

"Bakit ganun? Puro nasa Davao? Hustisya naman!"

"Cute nila hahahaha."

Samantala, dahil sa pagiging viral ay nagkaroon na ng product endorsement si Jericho Rosales look-alike at naitampok na rin sa isang news magazine show sa GMA Network.