Ibinahagi ng isang art gallery sa San Juan ang kauna-unahang collectible na mga laruan ng aktres na si Heart Evangelista.

Sa Instagram post ng Secret Fresh Gallery, sinabi nitong maglalabas ang aktres ng set of 12 figures, na hand painted ni Heart.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Ang collectible set ay binubuo ng 12 figures, at bawat set ay nagkakahalaga ng P200,000, at nasa isang espesyal na wooden box.

Limitado lamang ang collectibles dahil mayroon lamang na 50 sets, at kung sakaling bumili nito ay magbibigay rin ng personalized message si Heart.

Tinatawag na "Seasons" ang collectibles na magiging available sa darating na Agosto 28.

"LoveMarie x @secretfreshgallery My first ever Art Toy release, a collectible set of 12 figures - each hand painted - will be released in a limited run of only 50 sets," ani Heart sa isang Instagram post.