Nagsumite ng resignation letter si Atty. Roland Beltran, isa sa board members ng Sugar Regulatory Administration, dahil umano sa "health reasons."

Isinapubliko nitong Lunes, Agosto 15, ang resignation letter na isinumite ni Beltran kay Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na may petsa na Agosto 14 sa pamamagitan ng email.

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Iginiit ni Beltran na wala umano itong prejudice sa kahit anong imbestigasyon hinggil sa importation order sa asukal.

"May I respectfullytender my resignation as member of the Sugar Board of the Sugar Regulatory Administration, due to health reasons. This is without prejudice to any investigation that may be conducted in connection with the issuance of Sugar Order No. 4 s. 2022-2023," aniya.

Ayon pa sa kaniya, nagpaalam na siya sa SRA noon pang Hulyo 1 ngunit noong Hulyo 29 daw ay nakatanggap siya ng email mula sa SRA na ipagpatuloy ang kaniyang responsibilidad.

"Please note that I already left and said goodbye to SRA as early as July 1, 2022 upon expiration of my tour of duty and the issuance of Memorandum Circular No. 1, s. 2022. That on July 29, 2022, I received an email from SRA Management informing me that I am in a "holdover capacity". I ignored this email. However, the same email was reiterated and resent on August 1, 2022 and thus reluctantly resumed my duties and responsibilities as such under pain of being accused of dereliction of duty."

Isa umano si Beltran sa mga pumirma ng umano'y ilegal na importation order sa asukal na hindi inaprubahan ni Pangulo at Department of Agriculture (DA) Secretary Bongbong Marcos Jr.

Matatandaan na kamakailan ay nabitiw sa puwestosi Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian, ayon sa Malacañang.

“Undersecretary Leocadio Sebastian has resigned from his post as Department of Agriculture undersecretary for operations and chief of staff to the DA Secretary currently headed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr,” ayon sa pahayag ngMalacañang.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/08/12/da-official-na-nag-utos-na-umangkat-ng-asukal-nag-resign-malacanang/