Hindi pumayag ang Meralco na mapaaga ang kanilang bakasyon laban sa San Miguel Beermen sa Game 6 ng kanilang serye sa PBA Philippine Cup semifinals sa Araneta Coliseum nitong Linggo.

Pinadapa ng Bolts ang Beermen, 96-92, kaya pinilit na magkaroon pa ng 'do-or-die' match o Game 7 sa Araneta Coliseum sa Agosto 17.

Ginamit ng Meralco si Aaron Black sa huling dalawang minuto ng final period upang magtagumpay laban sa Beermen.

Bumilib naman si Meralco coach Norman Black sa solidong performance ng anak.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

“I’m proud of Aaron not just because of tonight but on where’s coming from a basketball player. I think he improved a lot in the last couple of years and his career has been upward path here in the PBA. I’m happy that he took over the game today. He actually told me give me the ball and set pick and rolls and get it done. He went out there and did it so, I’m really happy that he was able to back up what he was saying out there,” ayon sa Meralco coach.

Sa huling bahagi ng laban, rumatsada sina Chris Newsome at Cliff Hodge bago pa nagpakawala ng tres si Black, dagdag pa ang dalawang free throw at isang three-point play upang kunin ang abante, 93-90, 31 segundo na lamang ang nalalabi sa regulation period.

Mahahatak pa sana ng San Miguel sa 93-all ang laban, 8.3 segundo na lang sa orasan, gayunman,  magmintis si CJ Perez sa tatlong free throw.

At sa ikalawang pagkakataon, nabigo pa rin ang Beermen na maipatas ang iskor nang hindi masalo ni Jericho Cruz ang pasa ni Chris Ross at naagaw ito ni Black na agad namang binigyan ng foul hanggang sa maiuwi nila ang panalo.

Reynald Magallon