Palalakasin muna ng gobyerno ang immunity ng mga Pinoy bago nila tuluyang alisin ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) restrictions sa bansa.
Ito ang reaksyon ni Department of Health (DOH)officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire at sinabing unti-unti nilang gayahin ang United States (US) kung saan pinoprotektahan na lamang ng kanilang healthcare system ang mga nahahanay sa sektor na madaling tamaan ng Covid-19.
Sa ngayon aniya, isinusulong muna ng gobyerno ang responsibilidad ng indibidwal para na rin sa proteksyon ng mga ito laban sa virus.
"We are here to live with the virus because we know that the virus will stay. Ang importante sa ating lahat, and I think the US government also has that kind of objective, that we will protect the most vulnerable, we will protect our healthcare system from being overwhelmed, and will try to prevent as much as possible severe and critical cases and deaths," banggit ni Vergeire.
Sa datos ng DOH, nasa 72 milyon na ang bakunado sa bansa, kabilang ang 17 milyong nakatanggap na ng booster shots.
Nauna nang inirekomenda ngUSCenters for Disease Control and Prevention(CDC) ang pagtatanggal ng Covid-19 restrictions katulad ngphysical distancing, quarantine, at testing para sa mga asymptomatic patients na walang nakasalamuhang tinamaan ng sakit.
Binanggit din ng CDC na layunin ng kanilang hakbang na matulungan ang publiko upang makabalik sa normal na pamumuhay na walang pangamba sa virus.