Isiniwalat ng batikang aktres na si Lorna Tolentino na dapat ay 10 araw lamang siya sa teleseryeng ‘FPJ’s: Ang Probinsyano’ ngunit inabot siya ng tatlong taon dito. 

“Isang malaking karangalan na maging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano na umabot na ng pitong taon. Ito ay papahalagahan ko dahil baka hindi na ito maulit muli," saad ni Lorna sa video na inupload ng Dreamscape Entertainment noong Agosto 9, ilang araw bago matapos ang teleserye.

"Isa siya sa mga teleserye na masasabi kong mangingibabaw sa mga nagawa kong teleserye. Umabot ako ng tatlong taon na dapat ay 10 araw lamang,” dagdag pa niya.

Ayon sa batikang aktres, marami raw siyang nagawang eksena na bagong-bago sa kaniyakahit na matagal na siya sa showbiz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ang pinaka hindi ko makakalimutan, marami po akong nagawa ditong eksena na bagong-bago. Naging action star na rin ako. Umabot na sa point na ganoon,” sey niya.

Nitong Biyernes, Agosto 12, ang huling episode ng "Ang Probinsyano" pagkatapos ng pitong taon.