Ipinagtanggol ngMalacañang siExecutive Secretary Victor Rodriguez sa alegasyong may kinalaman ito sa kautusang umangkat ng 300,000 metriko tonaledang asukal.

Ito ang reaksyon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kasunod na rin ng pagbitiw ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian sa puwesto at inako ang pagkakamalinang pulungin angSugar Regulatory Board at aprubahan ang Sugar Order No. 4 kahit walang basbas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Sa isang Facebook Live video nitong Biyernes, kaagad na itinanggi ni Angeles na binigyang ng go-signal ni Rodriguez si Sebastian upang pulungin ang mga miyembro ng Board nito.

Aniya, inatasan ng Pangulo si Rodriguez upang lumikha ngimportation plan, hindi importation bid.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

"He had nothing to do with this. Wala pong kinalaman si ES sa importation resolution ng Sugar Regulatory Board. Hindi po siya ang nag-utos nang nag-convene nito.In fact, nung nalaman niya na nag-convene at nag-issue ng resolution, siya mismo ang nagdala ng balita na ito sa Pangulo. Right there and then, gusto niya sana ay ipatawag at resolbahin ang issue," ani Angeles.

Pinabulaanan din nito ang alegasyong itinalaga ni Rodriguez si Sebastian na isa sa opisyal ng DA na maaaring pumira ng anumang dokumento sa ngalan ng executive secretary at ni Marcos.

"Walang kinalaman si ES sa importation. Nag-issue siya ng direktiba na gumawa ng importation plan. Saan nanggaling yung importation plan? Aba, eh 'di sa Pangulo din natin.Inutusan niya si ES na magdirekta ng importation plan para makita, uulitin natin: feasibility ng importation, kailanmag-iimport," anito.