Sa pagdiriwang ng International Youth Day ngayong Biyernes, Agosto 12, may mensahe si Senador Risa Hontiveros para sa mga kabataang nagsisilbing inspirasyon niya sa pagtatrabaho.
"Happy International Youth Day, mga kasama!" panimulang pagbati ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post.
"And of course, to my dear young people, you are the ones that give so much energy, inspiration, and hope to public servants like me," aniya.
"Pagsisikapan naming mas paglingkuran pa kayo. Mabuhay ang kabataang Pilipino!" dagdag pa niya.
Bukod dito, inupload din ng senador ang mga batas at panukalang batas na isinusulong niya para sa mga kabataan.
- Raising the Age of Sexual Consent Act
- Mental Health Act- Safe Spaces Act
- Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Law
- Girls Not Brides Law
- Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Law
- Students' Rights and Welfare Bill
- Interns' Rights and Welfare Bill
- Positive Discipline Bill
- Teenage Prevention of Pregnancy Bill
- SOGIE Equality Bill