'Afreka "dinadayo" Legaspi CHARAUGHT'

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ng isang fan ng Legaspi Family nang dalawin siya ni Mavy at paglaanan ng oras nito.

Sa Facebook post ni Afreka Superio, ibinahagi niya ang "once in a lifetime" opportunity na kanyang naranasan matapos niyang makasalamuha nang personal ang isa sa kanyang pinaka celebrity crush na si Mavy Legaspi.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

"It's been a week, and I'm still thinking of a perfect caption that would encapsulate the love, effort, and enthusiasm of Mavy Legaspi towards me. Who would've thought this man would come to visit despite his busy schedule? Aww Mav, it feels like I'm still building castles in the air," caption ni Afreka sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa niya, hinding-hindi niya makakalimutan ang bait at pagiging gentleman ni Mavy.

Aniya, "Thank you for always making me feel special, that we're all equal in this world. Please know that I am grateful beyond words."

Ito ang unang pagkakataon na ma-meet ni Afreka si Mavy simula nang maging fan siya nito anim na taon nang nakakalipas kaya naman.

Bukod pa dito, isa rin si Zoren, ang ama ni Mavy, sa mga nagplano na dalawin si Afreka.