'Ungkatan ng past?'

Tila pinagsabihan ng aktor na si Matteo Guidicelli ang 'Tropang LOL' host na si Alex Gonzaga dahil sa umano'y pag-ungkat nito tungkol sa kaniyang ex-girlfriend.

Kumakalat ngayon sa social media ang video na kung saan mapapanood ang mensahe ni Matteo para kay Alex noong Huwebes, Agosto 11.

“May konting mensahe po ako sa mga Tropang LOL, especially sa’yo Alex... Napanaginipan ko ito kagabi at nagpray ako. Lex, na tigilan na natinang pagbirosa mga asawa natindahil mga ‘ex’ na 'yan eh. Tapos na 'yun at maawa naman tayo kay konsehal at sa asawa ko, dahilkagabi umiyak na talaga ako dahil sa’yo. Nasasaktan ako para sa asawa ko..." ani Matteo

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Agad din namang nagbiro ang aktor, "Tropang LOL, i-respeto na lang natin ang mga asawa natin. Mag-usap na lang tayo tungkol sa kuko mo! [Alex]”

"Sa lahat po ng ano siya po 'yung naunang magbanggit ng ex. Tapos siya pa 'yung magdadrama," pabirong banat naman ni Alex. 

https://twitter.com/iSpyAshMatt/status/1557569049407754240

Nag-ugat umano ito sa isang episode ng noontime show noong Agosto 10 na kung saan nagbibiruan sina Alex at Matteo tungkol sa kanilang past.

https://twitter.com/Wicafromthetop/status/1557693744211963905

Matatandaan na naging ex-girlfriend ni Matteo ang aktres na si Maja Salvador habang na-link naman si Alex sa dating Calla Lily frontman na si Kean Cipriano.

Gayunman, pareho nang kasal ang dalawa. Si Matteo kay Sarah Geronimo at si Alex naman kay Lipa, Batangas Councilor Mikee Morada.

Dahil sa nangyaring ungkatan ng past, trending topic ang dalawa Twitter.