"Serye lang po walang personalan"

Pinagbabantaan umano ng mga gigil na gigil na netizen ang batikang aktor na si John Arcilla dahil sa kaniyang kontrabida role sa “Ang Probinsyano.”

Sa dalawang magkahiwalay na Instagram post, inupload niya ang screenshot ng mga 'pagbabanta' sa kaniya ng mga 'fans' niya.

"Sarap mong patayin hayop ka. Pag nakita kita sa labas ako na ang papatay sayo," pagbabanta ng netizen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Dumadami nanaman fans ko at personal message pa. Pero nakaka bother din.Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon diba? Peace po!" sagot naman ni Arcilla.

Sa isa pang post, sinabihan siya ng isa pang netizen na sana mamatay na raw ang aktor sa totoong buhay.

"Sana mamatay ka na sa totoong buhay John Arcilla with Renato Buwitre Hipolito. Ipagdasal kita na sana mamatay ka na sa totoong buhay napaka animal mo," gigil na sabi ng netizen.

Gayunman, kalmado naman itong sinagot ng aktor.

"Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana aymapaliwanaganng iba/Chill lang mgaParsat Mars. Serye lang po walang Personalan," aniya.

"Sana naman joke-jokan lang yan. Kungnagagalitkayo kay Hipolito,undersrandablepero kung sakin, parang I think kailangan natini-reviewang ating sense of reality.Angmoral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay. Sabi nga Walang nananalo sa giyera. Bawat kampo ay may kanya kanyang mga kapatid anak asawa at magulang," dagdag pa niya.

Ginagampanan ni Arcilla si Renato "Buwitre" Hipolito na isa sa mga bigating kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay na ginagampanan naman ni Coco Martin. 

Makalipas ang pitong taon, ngayong Biyernes ng gabi ang huling episode ng "Ang Probinsyano."