Pinuri ni Atty. Chel Diokno si Senador Robin Padilla matapos itong maghain ng panukalang batas tungkol sa same-sex union sa bansa. 

"Kudos to Sen. Robin Padilla. This is a big step in the right decision," saad ni Diokno sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 11.

"I hope magiging bukas ang puso't isip ng iba pa nating mga mambabatas tungkol dito, at pati na rin ang SOGIE BILL na finile ni Senator Risa Hontiveros," dagdag pa niya. 

Sinabi rin ni Diokno na ito raw ang mga "much-needed measures" para sa kapakanan at proteksyon ng LGBTQIA+ community.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!

Kamakailan, inihain ni Padilla ang Senate Bill No. 449 o ang Civil Unions Act na nagbibigay ng pantay na karapatan at pagkilala para sa same-sex couples sa Pilipinas.

“This representation believes it is high time that the Philippines provides equal rights and recognition for couples of the same sex with no prejudice as to sexual relationships are protected and recognized and given access to basic social protection and security,” saad ni Padilla sa explanatory note ng panukalang batas.

“Providing equal rights and privileges for same-sex couples will in no way diminish or trample on the rights granted to married couples,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/11/sen-robin-padilla-naghain-ng-batas-hinggil-sa-same-sex-union-sa-bansa/