Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang salon na pagmamay-ari ni Kim Peralta mula sa Pulilan, Bulacan dahil may libreng pa-sing along sila sa kanilang mga customer habang ginugupitan ito.

Ayon kay Peralta, naisip niya ito upang hindi mainip ang mga parukyano gayundin ang naggugupit. Napansin din niyang mas nakahikayat ang ganitong gimik upang dumami pa ang mga customer.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kapag magaling naman daw bumirit ang customer at kumbaga ay 100 points sa videoke ay libre na lamang daw ang gupit.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Good business idea! Creative!"

"Puwede naman ba kantahin ang 'My Way' diyan?"

"Ingat lang sa kakanta kasi baka makalunok ng buhok hahaha, pero nice idea ito!"