Inihayag ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Huwebes na masyado pang maaga upang pag-usapan kung sino ang magiging kapalit sa puwesto ni Pope Francis.

Ang pahayag ay ginawa ni CBCP-Public Affairs Commission Executive Secretary Fr. Jerome Secillano matapos na umugong ang mga ulat na isa si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga top contender na maging kapalit ng Santo Papa, kasunod ng mga ispekulasyong posibleng magbitiw siya sa puwesto dahil sa isyung pangkalusugan.

Ayon kay Secillano, hindi pa dapat na pag-usapan ang pagpili ng makakapalit ni Pope Francis dahil pawang ispekulasyon lamang ang lumalabas na balita.

“Pope Francis continues to be at the helm of the papacy and shows no indication of cutting short his tenure,” ani Secillano.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

“All this talk about his possible resignation is basically just a media narrative meant to politicize an otherwise sacred election called the conclave,” dagdag pa niya.

Nanawagan rin naman si Secillano sa mga Katolikong Pinoy na sa halip na palakihin ang usapin ay patuloy na lamang na ipagdasal si Pope Francis at ang kanyang kalusugan.