Pinaplano ngayon ng Department of Education (DepEd) na palitan ang mga outdated at mahal nalaptopna binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa mga guro noong 2021.

Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na magsasagawa sila ng survey upang matukoy ang mga isyu sa mga naturang laptop.

Ayon kay Poa, mayroon naman silang listahan ng mga guro na nakatanggap ng mga naturang laptop kaya madali nilang ma-evaluate ang naging problema ng mga ito.

Maaari aniya silang magsagawa ng sariling "quick fix" upang matugunan ang problema sa mga laptop o i-invoke ang warranty provisions nito.

National

Rep. Ortega, sang-ayon kay SP Chiz na ‘di dapat magkomento mga senador sa impeachment

“Kung talagang mabagal 'yong computers and not up to par with what we wanted, 'yang computers, as far as I understand, ay covered pa rin ng warranty,” aniya pa.

“So what we will do is aside sa addressing the concerns of the teachers doon sa mabagal na computers, we will also, in coordination with PS-DBM, kasi sila 'yong buyer... we will invoke the warranty provision on their contract, dito sa supplier ng laptops," paliwanag pa ni Poa.

Matatandaangpinuna ng Commission on Audit sa 2021 audit report nito ang pagbili ng₱2.4 bilyong halaga ng mga mahal at outdated na laptop na ginamit ng mga guro sa kanilang distance learning.

Nakasaad sa ulat na sa estimate cost na ibinigay ng DepEd, ang bawat laptop ay dapat na nagkakahalaga lamang ng P35,046 ngunit malaunan ay tinanggap ang presyo ng PS-DBM na P58,300 kada laptop.

Mas kaunti ang mga gurong nabigyan ng laptop, na umabot lamang sa 39,583 mula sa kabuuang bilang na 68,500 dahil na rin sa mataas na presyo ng mga ito.

Hindi naman masagot ni Poa kung bakit tinanggap ng nakalipas na DepEd administration ang mahal na presyo ng laptop, gayunman, una nang sinabi ng DepEd sa isang pahayag na ang PS-DBM ang higit na makapagpapaliwanag sa usapin.