Nagpagupit na ang 'Maid in Malacañang' director na si Darryl Yap matapos ipamukha umano ni Kuya Kim Atienza na marami raw itong buhok. 

Ispluk ng director na halos lahat ng production team ng 'Maid in Malacañang' ay gusto na siyang pagupitan hanggang sa pansinin din ito ni Atienza.

"Actually, lahat sa prod ng #MiM ay gusto na kong pagupitan; ilang beses na kong inalok ni Karla, Ruffa at Ella ahahaha! lalo na si Senator Imee R. Marcos—hanggang sa pinamukha na ni Kuya Kim Atienza na andami ko raw buhok hahahaha!" ani Yap sa kanyang Facebook post nitong Martes, Agosto 9.

Nagpasalamat din siya kay Diego Loyzaga sa pagpapahiram sa kaniyang hair stylist na kahit hatinggabi raw ay nagupitan siya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, na-very good naman siya ni Atienza dahil sinunod umano niya ang code of ethics ng satire university na International State College of the Philippines.

"Very good Direk Darryl Yap You followed the eternal code of ethics from the universe and beyond of our beloved Alma mother (Lily) International State College of the Philippines By the powers granted upon me by the school, I grant you a special obedience Award! Congratulations!!" sey ng TV host.

Biro pa ni Atienza, naging kamukha raw nito ang singer-actor na si Darren Espanto base sa kaniyang "objective scientific point of view."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/darryl-yap-mabuhok-daw-ayon-sa-scientific-empirical-observation-ni-kuya-kim/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/09/darryl-yap-mabuhok-daw-ayon-sa-scientific-empirical-observation-ni-kuya-kim/