May pa-blind item ang Kapuso news anchor na si Arnold Clavio tungkol sa isang mataas na opisyal ng gobyerno na umano'y iniimbestigahan ngayon "dahil sa biglaang pagdami ng kanilang transaksiyon sa bangko sa pamamagitan ng cash at check deposits sa nakalipas na tatlong taon," ayon sa kaniyang Instagram post noong Agosto 3, 2022.

Pinamagatan niya itong "Tilamsik ni Igan".

"SINO???!!!"

"Sino itong isang mataas na opisyal ng gobyerno ang kasalukuyang iniimbestigahan, dahil sa biglaang pagdami ng kanilang transaksiyon sa bangko sa pamamagitan ng Cash at check deposits sa nakalipas na tatlong taon," aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pati ang asawa umano ng naturang mataas na opisyal ay nakagugulat na nagkaroon ng maraming bank accounts sa Pilipinas at ibang bansa.

"Ang nakakagulat, mayroong 69 bank accounts ang nasabing opisyal at ang kaniyang misis dito sa bansa at maging sa abroad."

"Dubai - mayroon umanong deposito ang mag-asawa ng US dollars at Euro na aabot sa tinatayang 1.4 Billion pesos."

"Ayon sa preliminary investigation, ang nasabing kabuuang 69 bank accounts as of July 2022, 42 Bank accounts dito ay US dollar account na naka-deposito sa USA, Canada, Dubai, Singapore, UK at Switzerland kung saan ay nakakakuha ang mag-asawa ng matataas ang interest rates."

"Ang malaking bulto umano ng pag galaw ng deposito ng mataas na opisyal na ito at ng kaniyang asawa ay nagsimula noong December 2021 hanggang July 2022, panahon ng kampanya."

"Ayon pa sa report, ang govt. official at asawa nito ay may deposito sa mga sumusunod na bangko:

~ sa Dubai (foreign bank) na may $ 3 Million or P170M ;

~ UAE ( 2 foreign banks) - 3.7 Euro or P208 Million ;

~ sa Dubai pa rin ( 3 foreign banks) - na may deposito P38.5 Million

~ Dirham or P616 Million

~ at sa Dubai ( 4 foreign banks )- 21.75 Million dirham or P348 Million."

"Sino ang mataas na opisyal na ito kasama ang kaniyang misis na iniimbestigahan ngayon ng __ ?"

Sa bandang dulo ay tila nagbigay ng clue si Igan.

"Ang kaniyang pangalan may letrang R at O. Ang kaniya namang apelyido ay may letrang U at E.

"Walang Personalan!"

Bagama't nakasarado ang comment section ng kaniyang IG, isang follower naman ang nagkomento.

"I hope mali ang kutob ko at hindi ko sila kilala," anito.

Tugon naman ni Igan, "Sino?"

Hindi na tumugon ang naturang netizen. Wala na ring idinagdag pa si Igan tungkol dito.