Usap-usapan ngayon ang pangmalakasang transformation ng bagong kinoronahang Miss Universe Thailand na si Anna Sueangam-iam.

Tinalo ni Anna ang 29 iba pang naggagandahan at nagtatalinuhang kandidata sa naganap na coronation night ng MUT 2022 sa True Icon Hall sa Bangkok noong Hulyo 30.

View this post on Instagram

A post shared by Anna Sueangam-iam (@annasnga_1o)

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

Ilang araw matapos ang inabangang coronation night, ilang serye ng mga larawan ang ibinahagi ng Missosology, isang online pageant community na binubuo ng mga eksperto, at ipinakita ang nakamamanghang glow-up ni Anna.

Ayon pa sa Missosology, sa Nachaya Clinic nagmula ang mga larawan kung saan sumailalim si Anna sa ilang beauty enhancement surgeries.

Samantala, naging debate naman sa naturang post ang usapin ukol sa pagpapa-enhance ng mga kandidata sa Miss Universe.

“Her cosmetic procedures seem to be just minor - fillers on the chin, hiko thread for the nose, a little plump on her upper lip. The improvement in these photos mainly just come from her makeup. They just made it look like a drastic improvement, maybe for marketing,” saad ng isang netizen.

“Stop comparing. She is really beautiful and stunning with her version although with surgery or without surgery. Go Go Thailand, Prove on the stage, Miss Garbage can be also a representative on MU stage!❤️” pagtukoy ng isang fan sa naging mahirap na buhay ni Anna bago naging isang matagumpay na beauty queen.

“Actually ,it's not that much huge transformation in Korean's point of view🫠. I mean, she looks like she hasn't had much artificial treatment.”

“This post poses as an invasion of her privacy. People do body changes all the time, either through surgery or gym. How she transformed is her private matter. Admin is causing an unnecessary riot with this,” pagsita ng isang pageant fan sa Missosology.

“Dear Missosology, this is 2022. I can't believe that surgery is wrong. You are the big page of the Philippines should be a role model for the people of your country,” segunda ng isa pang Thai pageant follower.

“Unethical page. Beauty pageants are meant for inspiration, role model and positive impact. Now you took off outer covering layer and show true colours. You reflects inner beauty of real filipino people. The whole world already known all filipino mindset topping with sugar-coated toxic attitude and you just now prove it right. Mabuhay Philippines.”

“She is pretty with or without surgery. If she is happy and healthy and she loved this version of herself, nothing is wrong.”

“There's no need to post this, she's beautiful no matter what.”

“Surgery is not scary, the mind and soul of someone who is not happy with the success of others is more scary.”

Umabot na sa mahigit 22,000 ang comments sa naturang post.

Noong Hunyo, isa si Anna sa mga inabangang kandidata ng Pinoy fans dahil sa umano’y pagkakahalintulad ng alindog kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Basahin: Dalawang contenders ng Miss Universe Thailand, mala-Catriona Gray ang awrahan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Makakatapat ni Anna ang pambato ng Pinas na si Celeste Cortesi sa prestihiyusong Miss Universe sa huling bahagi ng taon.