Hindi pa rin tatanggalin sa protocol ang cremation ng mga namatay sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.

Sa pagdalo ni DOH officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa PinasLakas campaign o pagpapaigting ng pagbabakuna sa Rosario, Cavite, ipinaliwanag nito na bahagi pa rin ng batas ang pagki-cremate sa mga binawian ng buhay sa Covid-19.

“We have that not as part of our restrictions but as part of sanitation not just here in the Philippines but all over the world. We can never remove that,” pagdidiinnito.

Ito ay sa kabila aniya ng pinaluwag na restriksyon ng gobyerno laban sa sakit at pagkakabakuna ng mahigit sa 71 milyong indibidwal sa bansa.

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

Idinahilan ni Vergeire, nakahahawa pa rin ang sinumang namatay sa Covid-19 kahit ilang oras na ang lumilipas.

Sa datos aniya ng DOH, nadagdagan pa ng 44 ang namatay sa sakit mula Hulyo 25-31. Mahigit na sa 60,000 ang binawian ng buhay simula nang magkaroon ng Covid-19 sa bansa noong 2020.