Ito ang masayang ibinahagi ng online content creator at Miss International Queen Philippines finalist na si Lars Pacheco sa kaniyang social media post kamakailan.

“We all hope for breakthrough rebirth moment,” mababasa sa post ng transpinay beauty queen.

Tinawag na sexual reassignment surgery-penile peritoneal vaginoplasty (SRS-PPV) ang procedure na ginawa kay Lars. Ito rin ang pinakabago at "most advanced SRS technique" para sa gender confirmation.

Bumuhos naman ang suporta ng mga fans, at kaibigan sa pageantry para sa panibagong simula ni Lars.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Kabilang sa mga nagpaabot ng love kay Lars ang mga beauty queens na sina Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold at Miss Grand International Philippines 2016 Nicole Cordoves.

Sa kilalang Kamol Cosmetic Hospital – German sa Bangkok, Thailand, ipinagkatiwala ng 25-anyos na online personality ang kaniyang lifechanging operation.