Kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Lunes na ang 95% ng mga kaso ng monkeypox sa buong mundo aynaihawasa pamamagitan ng sexual activities.

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na ang monkeypox virus ay hindi ikinokonsidera bilang sexually transmitted disease (STD).

“Hindi ho siya classified as a sexually transmitted disease. Although ngayong nag-evolve na itong virus na ito, itong monkeypox virus, maaari na itong makuha sa sexual contact. Actually, 95% of cases right now globally are through sexual contact nakuha,” ayon pa kay Vergeire, sabi ni Vergeire sa panayam sa radyo.

Kinumpirma rin ni Vergeire na mayroon ng mga naiulat na namatay dahil sa sakit, at ang mga immunocompromised, buntis, at senior citizens ay maaaring mas vulnerable sa virus.

National

De Lima sa Bar passers: ‘Patuloy sana tayong magsilbing inspirasyon sa ating bayan’

“Especially kapag ‘yung tinamaan ay immunocompromised individuals, mababa ‘yung kanilang panlaban sa sakit. Katulad ng mga buntis, maaari ring maging vulnerable sila, katulad ng mga kabataan, and of course, ‘yung mga nakakatanda na marami nang comorbidities,” anang opisyal.

Nanawagan din ito sa publiko na patuloy na tumalima sa health protocols laban sa coronavirus disease 2019 upang protektahan ang kanilang sarili laban sa monkeypox.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang monkeypox ay naihahawa sa pamamagitan ng ‘close skin-to-skin contact’ sa pamamagitan ng sex, paghahalikan, paghahawakan, at maging sa oral at penetrative sex sa isang tao na may sintomas nito.

Idineklara na rin ng WHO ang monkeypox na public health emergency of international concern, na siyang pinakamataas na alarma, noong Hulyo 23.

Nitong Biyernes, inanunsiyo ng DOH na naitala na sa Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox.

Ang pasyente ay isang lalaki na 31-anyos na dumating sa bansa mula sa abroad noong Hulyo 19 at nagpositibo sa sakit noong Hulyo 28.