Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si real estate magnate Jose Jerry" Acuzar bilang hepe ngDepartment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Nanumpa na si Acuzar sa harap ni Marcos sa Malacañang bilang pagsisimula ng kanyang trabaho sa nabanggit na ahensya ng gobyerno.

Si Acuzar ay chairman ngNew San Jose Builders (NSJB) at bayaw ng dating executive secretary ni dating Pangulong Benigno Aquino III na si Paquito Ochoa, Jr..

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Malacañang hinggil sa posibilidad na magkaroon ng "conflict of interest" ang pagkakatalaga ni Acuzar sa DHSUD dahil ang NSJB ay isang construction company na nagpapatayo ng mga residential property.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang binuo ng gobyerno ang DHSUD upang matugunan ang pangangailangan ng mahihirap na magkaroon ng "disente at abot-kayang" pabahay.