Naglabas ng pahayag ang 'VinCentiments' tungkol sa mga nagsasabing lalangawin ang pelikulang 'Maid in Malacañang' ni Darryl Yap.

"Walang naniniwala sa Talo, lalo na kung Nagyabang bago matalo at Mayabang pa rin pagkatapos matalo," saad ng VinCentiments sa caption ng kanilang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 29.

"Yung mga nagsabing lalangawin ang Maid in Malacañang, sila rin ang nagsabi na mananalo si Leni Robredo," saad pa nito.

"Yung mga nagsabing pinamimigay lang ang tickets, sila rin ang nagsabi na trolls at hindi totoo ang suporta sa Uniteam," dagdag pa nito.

National

Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!

Matatandaan na kumakalat ngayon sa social media ang mga umano'y libre na movie tickets ng Maid in Malacañang na ipalalabas sa Agosto 3 sa mga sinehan.

"Kung ganyan ang sinasabi nila, NAGTAGUMPAY NA TAYO," pagbibigay diin ng VinCentiments.

Kaugnay nito, nagtweet din ngayong Biyernes siP3PWD Party list Rep. Rowena Guanzon tungkol sa pelikulang lalangawin lamang umano sa sinehan.

“Kahit libre ang ticket sa sine na yan lalangawin. #bardagulan,” sey ni Guanzon na wala naman siyang binanggit kung anong pelikula ito.

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/07/29/lalangawin-sa-sinehan-rowena-guanzon-may-patutsada/