Naglabas ng saloobin ang TV personality na si Gretchen Ho kaugnay sa pagpatay sa ama ng Ateneo gunman na si Chao Tiao Yumol nitong Biyernes ng umaga sa Lamitan City, Basilan. 

"Violence begets violence. Two wrongs don’t make a right," saad ni Ho sa kaniyang Twitter account nitong Biyernes.

"The cycle of hate just continues and wounds deepen. None of it is justifiable," dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/gretchenho/status/1552811177482526721

Makalipas ang limang araw matapos ang pamamaril noong Linggo, dead on the spot ang ama ni Chao Tiao Yumol na si Roland "Bobong" Yumol nang barilin umano sa harap ng bahay nito sa Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, binaril si Bobong sa labas ng bahay nito ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo dakong 6:55 ng umaga.

Nagtamo ng apat na tama ng baril ang biktima at agad dinala saLamitan District Hospitalngunit idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician na si Dr. Alfonso L. Bravo.

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ng-ateneo-gunman-dead-on-the-spot-nang-barilin-ng-mga-di-kilalang-suspek/