Nakikipag-ugnayan na umano ang mga staff ng Angat Buhay Foundation ni dating Vice President at Atty. Leni Robredo sa ilang mga grupo upang malaman ang agarang aksyong maaari nilang maibigay at maitulong para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa mga lalawigan sa Norte, lalo na sa Abra, Benguet, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

"Busy day at the Angat Buhay office!" saad sa Facebook post sa kanilang opisyal na Facebook page.

"Our Program Officer for Disaster Relief and Rehab, Robin Waban, was constantly communicating with groups on the ground in the northern provinces to determine actions to take to assist those affected by the recent earthquake."

"Cariz Peregrino, our Program Officer for Public Education, and Elcy Debildos, our Monitoring and Evaluation Manager, were in a meeting with a possible partner for the expansion of our education program for the youth."

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

"Dr. Keisha Mangalili, our Program Officer for Nutrition, Food Security, and Universal Health Care, was on a virtual huddle with Bayanihan E-Konsulta volunteers to assess and improve its processes for the benefit of the public."

Nagbigay rin ng mensahe si dating VP Leni para sa mga nasalanta ng kalamidad.

"Praying for everyone’s safety, especially our kababayans in the north who were most affected by the earthquake. We have been in close contact with our volunteer groups there already," ayon sa Facebook account nitong "Atty. Leni Robredo".

Pinuri at pinasalamatan din ni Robredo ang mabilis na aksyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo kahapon, Hulyo 27.