Ang Pasay City General Hospital (PCGH) ay hindi na tumatanggap ng mga pasyente matapos ang lahat ng mga medical at surgery clean ward, medical at pedia transition ward at emergency room bed ay umabot na sa buong kapasidad.

Ipinaalam din ng ospital sa publiko na ang listahan ng naghihintay sa ospital para sa emergency room (ER) admission ay lumampas sa higit sa 20 mga pasyente.

Pinayuhan ng pamunuan ng ospital na dalhin o ilipat sa iba pang healthcare facilities ang lahat ng tatanggapin na pasyente para sa maayos at agarang gamutan.

Umapela ang mga opisyal ng ospital para sa pang-unawa ng publiko para sa idinulat na abala.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang ospital ay magpapayo sa publiko kapag ito ay bukas muli para sa admission.

Jean Fernando