Nasa 1.7 milyong eligible individuals ang target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ng booster shots laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Ilocos Region.

Sa ilalim ito ng “PinasLakas” Booster Vaccination Campaign ng DOH, na sabayang inilunsad sa bansa nitong Martes, kasama ang Ilocos Region, upang mabigyan pa ng karagdagang proteksyon ang mamamayan laban sa Covid-19.

Kaugnay nito, umapela naman si Regional Director Paula Paz Sydiongco sa publiko na magpaturok na ng booster shot upang matiyak na sila ay protektado laban sa virus.

“Ang pagbabakuna lamang ang tanging paraan upang tayo ay hindi magkaroon ng malubhang sakit at malabanan ang pagkalat ng sakit na Covid. Tayo ay kasalukuyang nasa pandemya kaya’t patuloy nating ugaliin ang pagsusuot ng face mask at sumunod sa mga health protocols na itinalaga ng ating pamahalaan upang matiyak ang ating kaligtasan,” aniya pa, kasabay ng launching ceremony ng kampanya sa St. Vincent Ferrer Prayer Park sa Barangay Bani, Bayambang, Pangasinan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa datos ng DOH nitong Hulyo 25, 2022, ang Ilocos Region ay nakapagbakuna na ng may 3,753,201 indibidwal o 86.91%, at 911,269 o 22.13% naman ang nakatanggap ng first booster dose na kabilang sa 12 taong gulang pataas. Nasa 61,303 o 1.75% pa lamang naman ang nakapagpa-1st booster dose.