Ipinakilala na ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga pangalan ng mga opisyal na makakatuwang niya para sa mas maayos na ugnayan at daloy ng komunikasyon sa mga tanggapan ng Office of the Vice President (OVP) at sa DepEd.

Sa isang public announcement, nabatid na sa DepEd, si Undersecretary Epimaco V. Densing III, na dating Undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang kanyang hinirang upang maging Chief of Staff.

Si Atty. Michael T. Poa naman ang kanyang magiging spokesperson o tagapagsalita.

Para naman sa mga usaping may kinalaman sa OVP, itinalaga ni VP Sara si Undersecretary Zuleika T. Lopez bilang Chief of Staff.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Atty. Reynold S. Munsayac naman, na dati niyang kaklase sa law school, ang magiging spokesperson ng tanggapan.

Nabatid na sina Densing at Poa ay mag-o-opisina sa Rizal Building sa loob ng DepEd Complex saMeralco Avenue, Pasig City habang sina Lopez at Munsayac naman ay may tanggapan sa 11thFloor ng Cybergate Plaza, EDSA corner Pioneer St., sa Mandaluyong City.