Proud na ibinahagi ng aktres na si Ina Raymundo ang pinakabagong achievement ng anak na si Jakob matapos tanghaling provincial champion sa isang Premier Baseball League sa British Columbia, Canada.
Sa isang Instagram update, Martes, ibinahagi ng celebrity mom ang ilang tagpo ng pagkapanalo ng kaniyang 17-anyos na anak.
“Congratulations North Shore Twins! ♥️🤍Unbelievable, amazing & awesome win! From being underdogs to champions! Woohoo!🥳 🎉” mababasa sa Instagram update ng aktres.
Present din sa laro ang mister ni Ina na si Brian, at dalawa pa nilang chikiting, mga kapatid ni Jakob.
Noong 2021, nauna nang naging laman ng balita ang pagkaka-rekrut kay Jakob bilang opisyal na Division 1 baseball player ng Xavier University sa Cincinnati, Ohio, ang pinakamataas na intercollegiate athletics level sa ilalim ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Noong Mayo lang nagtapos ng high school si Jakob.