Kasabay ng pananatili sa Pilipinas ng K-pop, Thai rapper at singer na si BamBam, sinubukan nitong tikman ang mga putaheng 'Pinoy na kanya namang ibinahagi sa kanyang Twitter account.

Sa tweet ni BamBam, makikita na sinubukan nitong kumain ng lechon, sisig, ngunit higit na paborito nito ang pritong bangus — na siya namang pambansang isda ng Pilipinas.

"MilkFish is the best," caption ni BamBam nang i-post nito ang larawan ng kanyang kinakain.

Nag-reply naman rito ang certified "Pinoy at heart" na K-pop singer na si Sandara Park.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Sinabi nitong dapat tikman ni BamBam ang "tocilog" o tocino, sinangag, at itlog.

"Wow bangus!!! try tocilog for your breakfast tomorrow hehe," ani Sandara.

https://twitter.com/krungy21/status/1551764357624709120?s=20&t=4AyDTcCEB5fKkW3OWqDS4Q

Kasalukuyang nasa Pilipinas si BamBam para sa fansign event hosted ng CDM Entertainment, na magaganap sa 26 July sa Ayala Center Cebu, at July 28 sa Ayala Malls Manila Bay.