Nakatanggap ng 32-million worth of life insurance ang vlogger na si Mommy Oni o Toni Fowler mula sa kaniyang jowa na si Vince Flores kung saan beneficiary ang anak nitong si Tyronia.

Ibinahagi ito ni Mommy Oni sa kaniyang birthday vlog na inupload nitong Linggo, Hulyo 24.

"Sa totoo lang guys ayoko sana magkaroon ng agaw-eksena kaya lang grabe yung regalo ng ex [Rob Moya] so dapat hindi ako magpapatalo," sey ni Tito Vince.

Niregaluhan kasi ni Rob Moya, ex ni Mommy Oni, ng isang malaking box na naglalaman umano ng isang arcade na ikinatuwa naman ng vlogger.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento ni Vince, matagal daw niyang pinag-isipan ang regalo niya para kay Toni. Ang gusto raw kasi ni Toni ay isang van na parang bahay na rin.

Bago ibigay ang kaniyang regalo na nakabalot sa isang paper bag, nagkuwento muna si Vince tungkol sa relasyon nila ng vlogger.

"Pumasok ako sa isang relasyon na mommy na siya and itong regalo ko na 'to like hindi lang din para kay jowa kundi para kay baby rin," saad ni Vince.

Makikita sa vlog na inabot ni Vince ang paper bag kay Toni at nang buksan ito ay naglalaman ng pera.

"Ayoko sanang sabihin kung magkano 'to, hindi ako para mag-flex. Ang regalo ko sayo mommy is life insurance at ang beneficiary doon ay si Tyronia," mangiyak-ngiyak na sabi ni Vince.

"Kasi para sa akin walang kahit anong materyal na bagay na makakatumbas para sa future ng mag-ina ko. So, life insurance na nakapangalan sayo ang beneficiarysi Tyronia para kapag dumating yung panahon na mawala man tayo sa mundong 'to, meron si baby [Tyronia] na mapupunta sa kaniya. Pasensya ka na kung ayan muna yung mahuhulog ko ngayon pero ayan yung birthday gift ko sayo, syempre kay Tyronia rin," mensahe pa niya kay Toni.

Samantala, inexplain naman ng isang malapit na kaibigan nila ang life insurance package na kinuha ni Vince para kay Toni at Tyronia.

"Ang pinili namin sayo ay 32-million worth of life insurance at ito ay binili ni Vince para sayo at ang beneficiary ay si Tyronia," sey ng kaibigan nila.

Pinapirmahan na rin kay Toni at Vince on-the-spot ang nasabing life insurance.

&t=916s

Noong Mayo 15, naging opisyal na mag-jowa sina Mommy Oni at Tito Vince.

Idinaan sa isang prank ni Vince ang paghingi niya sa pagsang-ayon ni Toni upang maging kasintahan nito. Kunwari ay nagkaroon ng high blood pressure si Vince kaya hindi siya puwedeng operahan, kaya walang pamimilian si Toni kundi bumalik sa operating room.

Basahin ang kuwento:https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/17/toni-fowler-at-vince-flores-opisyal-nang-mag-jowa-rob-moya-etsa-puwera-na/