Ibinahagi ng batikang aktor na si Pen Medina na naging matagumpay ang kaniyang Spinal Surgery noong Huwebes, Hulyo 21. 

Sa isang Instagram post nitong Sabado, Hulyo 23, nagpasalamat siya sa kaniyang mga doktor.

"Praise God for making my Spinal Surgery safe and successful. Maraming salamat sa aking Spine Surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my Anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking Ortho Doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walang sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin," anang ng aktor.

Dagdag pa niya, kailangan niya pa rin ng panalangin dahil hindi pa tapos ang kaniyang laban, "Hindi pa po tapos ang aking laban, I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection."

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Samantala, nagpasalamat din siya sa mga nanalangin at patuloy na nananalangin para sa kagalingan niya.

Matatandaan na kamakailan ay humingi ng tulong pinansyal ang anak niyang si Alex Medina para sa magiging gastusin ng operasyon.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/16/alex-medina-humihingi-ng-tulong-para-sa-ama-na-si-pen-medina/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/16/alex-medina-humihingi-ng-tulong-para-sa-ama-na-si-pen-medina/