Muli na namang nagpakawala ng nasa 100 palaka ang ilang kawani ng Sapang Kangkong sa Barangay Old Balara sa Quezon City, nitong Sabado, Hulyo 23.

Bilang tugon sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, muling inilunsad ng barangay ang pagpapakawala ng mga palaka sa mga damuhan at kanal sa kanilan lugar, na layong pumuksa sa mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Ayon sa Kapitan na si Allan Franza sa isang ulat ng ABS-CBN News, ang 100 palaka ay inisyal lamang sapagkat maliban sa Sapang Kangkong, nasa 400 dagdag na palaka pa ang ipakakalat sa iba pang bahagi ng barangay.

Sa datos ng Department of Health, nakitaan ang paglobo ng kaso ng dengue ngayong taon na umabot na sa 65,190mula Enero 1 hanggang Hulyo 2 ngayong taon.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Anang DOH, ang naturang bilang ay 83% na mas mataas kumpara sa mga naitalang kaso ng sakit sa kahalintulad na petsa noong 2021, na nasa 35,715 lamang.

Karamihan anila sa mga kaso ng sakit ay naitala sa Region III (9,448, 14%); Region VII (7,771, 12%) at Region IX (5,708, 9%).

Basahin: 65,190 dengue cases, naitala ng DOH mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman, muling ipinatupad ang inisyatiba na tradisyunal nang ginagawa ng barangay mula pa noong 2018 sa tuwing sumisipa ang kaso ng naturan sakit.

Basahin: 3 pa, patay: Dengue cases sa Negros Occidental, lalo pang lumobo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, nanatiling wala pang matibay na ebidensiya ang pagpapalaganap ng palaka laban sa pagkontrol ng dengue sa isang lugar.

Sa Metro Manila, ang Quezon City ang nanatiling may pinakamataas na kaso ng dengue sa pag-uulat.