Nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang mga momshies na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros kay Karla Estrada sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, Hulyo 22.

"Very, very happy kami Momshie Karls kasi talagang mula umpisa ito na yung kwinento mo sa amin. Nakikita namin na isinasabuhay mo yung pinagdaanan mo dati na itinuro mo sa mga anak mo hanggang ngayon isinasabuhay mo yung pagtulong. Hindi na yun pwede tanggalin sa iyo at hindi na yun mananakaw, totoo ka sa mga tao. Very proud kami sa iyo dahil ito ay ginagawa mo na freely and very happy kami para sayo dahil  nandito ka na sa mundong gusto mo. Alam mong nandito lang kami para sayo," sey ni Jolina.

"Ito kasi yung gusto niya yung makatulong sa iba hindi lang dito sa Magandang Buhay kundi sa labas pa. Kami dito sa Magandang Buhay, kaibigan mo kami dito. Kahit ayaw ka namin umalis ka rito, pero ang hangad mo 'yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo," ayon naman kay Melai.

Nauna rito na binalikan nila ang mga pinagsamahan nilang mga momshies sa loob ng limang taon na pananatili ni Karla sa morning show. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, nagpasalamat naman si Karla sa kaniyang "Magandang Buhay" family.

"Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat. Babaunin ko sa bagong yugto ng aking buhay ang mga itinuro ng kwento ng aking 'Magandang Buhay.' Thank you Momshie Jols and Momshie Mels dahil sa journey natin na may pare-pareho tayong hinarap. Alam ko na hindi ako nawala sa isip n'yo, at kayo naman dalawa ay hindi nawala sa isip ko," aniya.

"Naging mabigat ang desisyon pero mas naging matimbang ang pag-unawa ng isa’t isa," dagdag pa niya.