Suportado ng VinCentiments ni Darryl Yap sa gagawin na pelikula ng batikang direktor na si Joel Lamangan na laban umano sa pelikulang "Maid in Malacañang."

"Ibang level na si Direk! KUYOG," saad ng Vincentiments sa kanilang Facebook page nitong Huwebes na may kalakip na quote card ni Lamangan.

"Sino ba naman si Direk Darryl kumpara kay Direk Joel Lamangan, all support po kami sa gagawin nyong pelikula!" sey pa nito.

Gayunman, para raw matapatan ay dapat panoorin daw muna ang Maid in Malacañang sa Agosto 3.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Matatandaan na pinatutsadahan ni Lamangan ang pelikula ni Yap nito lang ding Huwebes.

“Nag-uumpisa na sila. Gumawa sila ng pelikulang katar*nt*duhan, pera ng bayan yan… Anong drama yun? Drama ng pagtatakip para kaawan ng tao yung pamilyang yun. Ang tawag nga doon sa mga pumunta ng Malacañang noong panahon na yun, akyat bahay daw? Inakyat ang Malacañang, akyat bahay. Tingnan mo? Nag-uumpisa na sila," aniya.

Ispluk pa ng direktor na manunuod daw siya ng Maid in Malacañang. Kapag napanood na raw niya ay gagawa siya ng pelikula laban dito.

“Manonood ako. Titingnan ko yung katar*nt*duhan ang ginagawa nila at sinasabi nila. At sasabihin ko sa mga tao na hindi totoo ang lahat ng ito at gagawa ako ng pelikula laban dito,” patutsada pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/21/joel-lamangan-may-patutsada-sa-maid-in-malacanang-gumawa-sila-ng-pelikulang-katarntduhan-anong-drama-yun/