Pormal nang magpapaalam ang actress-host na si Karla Estrada sa morning talkshow na "Magandang Buhay" sa Biyernes, Hulyo 22, matapos ang limang taon.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Hulyo 21, tila may magaganap na farewell party para sa aktres base sa naka-upload na poster. 

"Cheers sa bagong journey ni Momshie Karla Estrada! Puno ng hope, gratitude, at kulitan kasama pa sina Magui, Carmella, Negi, at Kaladkaren!" ayon sa poster. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sey ni Momshie Karla, naging mabigat daw ang desisyon niya na iwanan ang naging pangalawang tahanan niya sa loob ng mahigit limang tao.

"BUKAS NA! Sabay sabay nating panoorin ang aking huling araw sa 2nd home ko ng higit limang taon! I will miss the good 5 years mga Momshieee!!! Naging mabigat ang desisyon.. Pero mas naging matimbang ang pag unawa ng isa't isa," sey niya.

"Mamimiss ko ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalam! Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng Kurso sa college kaya mahihiwalay ako ng lugar, Oras at panahon.

"Ngunit ang pag ka kaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan. Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pakikipagkaibigan," sey pa ng aktres.

Ang rason umano kung bakit aalis na nang tuluyan si Momshie Karla ay dahil pagtutuunan nito ng pansin ang kaniyang gampanin sa Tingog, kahit na hindi siya makakaupo sa puwesto.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/25/karla-estrada-opisyal-nang-di-babalik-sa-magandang-buhay/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/25/karla-estrada-opisyal-nang-di-babalik-sa-magandang-buhay/

Samantala, nagpasalamat ang aktres sa mga boss niya sa ABS-CBN at maging sa bumubuo ng Magandang Buhay.

"Maraming Salamat ABS-CBN Sa aking mga boss na itinuring na mga kaibigan, Maraming Salamat Po sa pagmamahal, pag tiwala at pagkakataon. Hanggang sa Muli," aniya

"At sa lahat ng bumubuo ng magandang buhay,,,MARAMING SALAMAT SA ARAL NA NAGPATIBAY NG PAGKATAO NATIN. MAHAL KO KAYO ! DASAL KO PARA SA ATING LAHAT ANG KATAHIMIKAN NG PUSO AT MALAYANG PAG LALAKBAY TUNGO SA……MAGANDANG BUHAY!"