Hindi pa rin makapaniwala ang Pinay actress, singer, at vlogger na si Kristel Fulgar na mararanasan niya ang 'once in a lifetime' opportunity na maka-video call ang Korean idol niyang si Seo In-Guk.

Sa isang vlog ni Kristel, ibinahagi niyo ang palitan nila ang usapan ni In-Guk, na aniya'y isang dekada niya nang iniidolo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagbabahagi ni Kristel, 16 taong gulang pa lang siya ay fan na siya ni In-Guk at sa katunayan ay wala na siyang ibang naging iba pang idolo maliban dito.

Aniya, ang pagiging kamangha-manghang tao, husay sa pagkanta at pag-arte ni In-Guk ang humila sa kanya para maging tagahanga nito.

Dagdag pa niya, may mga panahon noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang na wala na siyang ibang pinapatugtog kundi ang mga awitin lamang ni In-Guk, lalo na tuwing stressed siya o hindi kaya'y nagmamaneho ng sasakyan.

Sinimulan ni Kristel ang pakikipag-usap sa kanyang idolo sa pamamagitan ang pagbati nito sa tagumpay ng bagong single album ni In-Guk na "LOVE & LOVE."

Sinabi naman ni In-Guk na plano pa nitong paghusayin ang talento niya para sa mga paparating pa niyang albums, dramas, at mga pelikula.

Dagdag pa ni In-Guk, marahil ang pagiging aktor at singer nito, gayundin ang "unique character" niya ang naging kaibahan nito sa ibang Korean idols.

Ibinahagi rin ng K-idol na nagustuhan niya ang panahon, karagatan, mga taong nakakasalamuha niya, at pagkaing Pinoy nang minsang pumunta sila ng Davao para mag-shooting para sa isang series.

Samantala, ginamit na rin na oportunidad ni Kristel ang makapag-picture sa idol niya kahit virtual lamang bago matapos ang call niya.

Sa sobrang hindi makapaniwala ni Kristel ay naiyak pa ito matapos ang panayam niya kay In-Guk dahil hindi niya aakalain makakausap niya ito kahit na online lamang.