Isang lucky bettor mula sa Metro Manila ang naging instant milyonaryo matapos na magwagi ng₱54 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa isang paabiso nitong Martes, sinabi ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang six-digit winning combination na 06-17-40-45-39-13 na may katumbas na jackpot prize na₱53,920,694.20.

Ayon sa PCSO, ang lucky ticket ay nabili ng lucky winner sa Las Piñas City.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ng PCSO ang masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong identification (ID) cards.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Hinikayat rin ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon ng pagkakataong maging milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobula tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.