Patuloy pa ring nagniningning si Kapuso actress Bea Alonzo matapos ang dalawang dekada sa industriya.

Nitong Lunes, Hulyo 18, inanunsyo ni Bea ang panibagong milestone sa kaniyang showbiz career.

Tumabo lang naman sa 11 million followers ang official Instagram page ng aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ito’y sa kabila ng walang-humpay nap ag-intriga ng kilalang entertainment editor na si Manay Lolit Solis na patuloy namang dinededma naman ng aktres.

Basahin: ‘Lakas kulam niya sa’kin’: Manay Lolit, sinabing si Bea Alonzo lang ang sasaya ‘pag nategi siya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ilang serye ng mga larawan sa kaniyang Instagram account, glowing ang 34-anyos na Kapuso actress sa kabi-kabilang cover at commercial shoots.

Ipinasilip na rin ng aktres ang ilang tagpo ng inaabangan nang Pinoy adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up” kasama si Alden Richards, bukod sa iba pa.

Bukod sa pag-arte, isa rin sa mga aktibo sa kaniyang YouTube vlog si Bea na kasalukuyang nasa 2.79-M subscribers sa pag-uulat.

Isang taon nang maging opisyal na Kapuso si Bea nang magdesisyon itong iwan ang kaniyang home network na ABS-CBN noong Hulyo 2021.